BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, October 27, 2009

Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Silangan Asya at Hilagang Asya

Ang Silangan Asya sa Sinaunang Panahon: Isang Pag-babalik Sulyap

Silangang Asya

CHINA

Mga Dinastiya sa China

1. Zhou o Chou (112 B.C.E. – 221 B.C.E.).

Dinastiyang Zhou

Crossbow
Confucius


· Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit”.

· Naimbento ang bakal na araro.

· Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho.

· Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.

· Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.

· Dahil malawak ang teritoryo ang Zhou, humina ang control nito sa mga nasasakupang estadong lungsod.

· Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado o warring states.

· Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.

· Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.



2. Qin o Ch’in ( 221-206 B.C.E).

Dinastiyang Qin

Zheng

Great Wall Of China



· Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng.

· Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 B.CE.

· Idiniklara ni Zhen gang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti, na nangangahulugang “Unang Emperador”.

· Naganap ang kosolidasyon sa China sa panahon ng Qin.

· Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism.

· Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa Legalism.

· Si Li Xi, isa sa mga legalista, ang nagaing punong ministro ni Shih Huangdi.

· Ayon kay Li Xi, makasasama sa China ang maraming libro at ideya na tumutuligsa sa Qin.

· Sinunog ang lahat ng libro sa China at maraming skolar ang hinuli at piƱata, iniwan lang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika.

· Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall Of China bilang proteksyon sa pagatake ang mga kalaban.

· Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsak din ang dinastiyang Qin.


3. Han (206 B.C.E – 220 C.E.).

Dinastiyang Han

Liu Bang

Wudi

Silk Road


· Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China.

· Itinatag ito ni Liu Bang noong 206 B.C.E.

· Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin.

· Ang Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya.

· Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wu ti.

· Pinalawak ni Wudi ang teritoryo ng Han sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo.

· Sa panahon ng Han napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan.

· Sa tala ang dinastiang Han, nakarating sa Rome ang isang pangkat ng mga Tsinong juggler.

· Nakarating sa rome ang seda ang China na tinatawag na seres.

· Sa dinastiyang ito naimbento ang papel, porselana, at water-powdered mill.

· Nabuhay sa panahong ito si Simaqien, ang dakilang historyador ng China.

4. Sui (589 – 618 C.E).

Dinastiyang Sui

Grand Canal sa China

· Mabilis na pumalit ang Sui pagkatapos bumagsak ang Han.

· Napasok din sa China ang mga nomadikong mandirigma.

· Watak-watak ang China nang may 400 na taon.

· Umabot ang Buddhism sa China.

· Bumalik ang konsolidasyon.

· Itinatag ito ni Yang Jian.

· Itinayo ang Grand Canal.


5. Tang (618-907 C.E.).

Dinastiyang Tang

Li Yuan

Woodblock Printing

· Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui.

· Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang.

· Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.

· Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China.

· Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya nganumang sulatin.

1. 6.Song o Sung (960-1278 C.E.).

1.

Dinastiyang Song

Gun Powder

Foot Binding

Heneral Zhao Kuangyin


· Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang.

· Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song.

· Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.

· Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya.

· Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan.

· Naimbento ang gun powder.

· Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae.

· Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.


7. Yuan (1278-1368 C.E.).

Dinastiyang Yuan

Kublai Khan

Marco Polo


· Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang banyagang dinastiya ng China.

· Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan.

· Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.

· Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol.

· Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.


8. Ming (1368-1644 C.E.).

Ming


· Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan.

· Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuanzhang ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.

· Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China.

· Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.


KOREA

Mga Dinastiya sa Korea

1. Gojoseon o Lumang Joseon (2333 B.C.E-108 B.C.E)

Gojoseon

Dangun


· Ayon sa mga iskolar nagkaroon ng hiwa-hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong panahon ng Bronse(3000-300 B.C.E.).

· Isa sa pinakamalakas ay ang Gojoseon na itiantag ni Dangun.

· Mula sa pagiging estadong pamayanan, ito ay naging kaharian.

· Nasakop ng Han ng China noong 109 B.C.E. and Gojoseon.

· Nagpatuloy ang pangningibabaw ng Tsino hanggang 313 C.E.


2. Tatlong Kaharian (313-668 C.E.).

Mapa ng Tatlong Kaharian


· Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian ng Korea sa timog na bahagi: ang Goguryeo(37 B.C.E.-668 C.E.), Baekje (18 B.C.E-663 C.E.), at Silla (57-668 C.E.).

· Tinawag ito bilang panahong ng Tatlong Kaharian.

· Unang nabuo sa tatlo ang Goguryeo noong 37 B.C.E.

· Noong 313 B.C.E. tinalo ang Goguryeo ang hukbong Tsino.

· Nabuo ang Baekje sa timog-silangan malapit ang pakikipag-ugnayan nito sa China at Japan.

· Ang lipunan ang tatlong kaharian ay pinamumunuan ng mga aristokratikong mandirigma.

· Hiniram nila ang sistema ang pamahalaan ng Han sa China, ang Buddhism, at ang tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan.


3. Pinag-isang Silla (668-935 C.E.).

Silla


· Noong ikaanim na siglo ang Baekje at Goguryeo ay pinahina ng mga sigalot na kaharian.

· Samantala, ang Silla ay nasa ilalim ng pamumuno ng magaling na hari na may planong sakupin nag katabing kaharian.

· Unang bumagsak nag Baekje at sumunod ang Goguryeo.

· Dahil ditto napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea.

· Matapos ang pitong taon, napatalsik ng Silla ang mga Tsino sa Korea.


4.Balhae (698-926 C.E.).

· Ang Balhae ay itinatag ni Dae Joyong.

· Matatagpuan ang Balhae sa hilaga ng Korea at umaabot hanggang sa Manchuria.

· Ang kultura nito ay pinag-sanib ng Tang at Goguryeo.

· Noong ika-10 siglo nasakop ito ng mga nomadikong Khitan.


5. Goryeo o Koryo (918-1392 C.E.).

Goryeo

Celadon

Movable Metal-type Printing

Selected Teachings of Buddhist Sages and Seon Masters


· Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang ito.

· Ang buong Korea ay napasailalim sa iisang kaharian.

· Sa larangan ng sining, nakalikha ang Goryeo ng sariling istilo ng porselana na tinatawag na celadon.

· Sa teknolohiya, lalo pang pinaunlad ang woodblock na paglilimbag at naimbento ang movable-type an paglilimbag.

· Inilimbag gamit ang movable metel-type ang Jikji schimche yojeol (Selected Teachings of Buddhist Sages and Seon Masters).

Binuo ang Tripitaka Koreana o banal na kasulatan ng Buddhism gamit ang woodblock.


6. Joseon o Yi (1392-1910 C.E.).

Joseon

Yi Seong-gye

Hangul

Turtle Ship


· Ito ang pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ang Korea.

· Itinatag ito ni Yi Seong-gye.

· Inilipat niya ang kabisera ng Hanseong(ngayon ay Seoul)

· Sa panahon ni Haring Sejong siya ay tinaguriang “Ang Dakila”

· Kautusan ni Haring Sejong na bumuo ang mga iskolar ng alpbetong Korean – ang hangul o Hunmin Jeogeum.

· Mahalaga rin ang kontribusyon ni Admiral Yi Sunsin sa labanang dagat. Inembento niya ang turtle ship.

· Ang lipunan ng Korea ay binubuo sa apat na uri: ang yangban, chung-in, yangmin, at chonmin.


JAPAN

Mga Dinastiya sa Japan

1. Ang Liping Yamato at Nara.


· Ito ang paglaganap ng impluwensyang Tsino at Japan.

· Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confiucianism.

· Itinayo ang lunsod ng Nara noong 710 C.E.


2. Ang Fujiwara (794-1185 C.E).


Fujiwara

Calligraphy

The Tale of Genji

Bushi

Samurai


· Itinayo ang kapital ng Japan sa Heian.

· Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador na naging regent.

· Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador.

· Namayantag ang eleganteng pagsususlat ng tula, sining ng calligraphy, at pananamit.

· Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki.

· Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahong Heian,

· Lumitaw ang grupong bushi at samurai.

· Nabuo ang trdisyong military na nakapaloob sa Bushido.

· Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufo.


3. Ang Minamoto (1185-1333 C.E.).

Pwersa ng Minamoto

Kamakura

Daimyo


· Unang shogunato sa Japan ang Minamoto.

· Ang KAMAKURA ay ang setro ng pamahalaan.

· Aristokratikong bushi at samurai ay nangingibabaw sa panahon ng Minamoto.

· Ang Sistemang Pyudal ay namayani sa panahon na ito kung saan ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa shogun.

· Kamikaze ay ang banal na hangin ng mga hapones.

· Kami ay ang espiritu ng mga hapones.


4. Ang Ashiga (1333-1568 C.E.).

Ashiga


· Muromachi ay ang sentro ng pamahalaan ng Ashikaga.

· Sumiklab ang digmaang sibil noong 1573.

· Natapos ang pamumuno ng Ashikaga noong 1568.


5. Ang Shogunato ng Tokugawa (1600-1868 C.E.).

Shogunato

Oda Nobunaga

Toyotomi Hideyoshi

Tokugawa Ieyasu

Shimpan Daimyo

Fudai Daimyo

Tozama Daimyo

Kabuki

Isang Halimbawa ng tulang Haiku


· Ang tatlong dakilang mandirigma: Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu.

· Si Oda Nobunaga ay isang makapangyarihang daimyo.

· Pinatay siya ng sarili nitong vassal noong 1582.

· Ipinagutos ni Toyotomi Hideyoshi ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka pagkatapos niyang palitan si Oda Nobunaga.

· Namatay siya noong 1598.

· Tokugawa Ieyasu ay ang pumalit kay Toyotomi Hideyoshi matapos matalo ang iba pang karibal sa digmaan.

· Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadong pamahalaang militar.

· Ang tatlong uri ng daimyo: ang shimpan daimyo, fudai daimyo, at tozama daimyo.

· Lumitaw sa panahong ito ang kabuki na isang uri ng teatro.

· Lumitaw din ang haiku na isang uri ng tula.


Hilagang Asya

1. Ang mga Imperyo bago ang mga Mongol: Hun at Xiongnu

Hun

Xiongnu

Attila


· Ang imperyong ito ay estadong pantribu.

· Ipinatupad ni Maodun ang masalimuot na hirarkiya ng hukbo.

· Noong ika-2 siglo B.C.E., nanalanta ang mga Xiongnu at China sa panahon ng dinastiyang Han.

· Sa ilalim naman ni Attila, ang imperyong Hun ay lumusob mula sa Gitnang Asya.


1. Imperyong Mongol (1206-1368 C.E.).

Genghis Khan

Ger


· Itinatag ito ni Temujin noong 1206.

· Ger ang tawag sa kanilang tirahan.

· Kuriltai ang tawag sa isang pagtitipon ng mga ninuno ng iba’t-ibang tribung Mongol.

· Ginawaran si Temujin ng titulong Genghis Khan na ibig sabihin ay universal ruler

· Ang mga nasakop ng Imperyong Mongol ay hinati ni Genghis Khan sa kanyang apat na anak – tinatawag itong khanate.

· Ang bawat khanato ay may partisipasyon sa digmaan: Dakilang Khanato sa Mongolia at Silangang Asya, Khanato sa Turkestan, khanato sa Persia, at Golden Horde.


2. Pananalakay ni Timur (1370-1405)

Imperyong Turk


· Mula sa Hilagang Asya ang Turkong Ottoman noong ika-10 siglo.

· Nakatira sila sa mga tolda na tinatawag na yurt.

· Tinanggap nila ang relihiyong Islam at ibang bahagi ng kulturang Persian.

· Noong 1299, itinatag ni Osman ang isang maliit na estado na may malakas na hukbo.




Ikalimang Pangkat

II- Mendel


Silvero, Romelyn Mae L.

Leyson, Shallal M.

Madale, Franklin V.

Maglente, Crislyn

Matic, Marc Lorenze

Molina, Sharah Mae

Mordeno, Anthea M.


Sa Pamamatnubay ni:

Gng. Daisy Parchamento

Araling Panlipunan-II Teacher


MGA PINAGKUNAN:

ASYA PAG-USBUNG NG KABIHASNAN (2ND YEAR TEXTBOOK)

WIKIPEDIA.COM

GOOGLE PICTURES

GOOGLE MAPS